^

Probinsiya

3 tiklo sa pekeng prangkisa

- Ni Boy Cruz -

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng tatlong sibilyan na sinasabing nagpakilalang mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) makaraang masakote ng pulisya sa isinagawang entrapment operation sa Meycauayan City, Bulacan kahapon. Kinilala ni P/Supt. Hector Samar ang mga suspek na sina Mabel Remedios Mendoza, 50, ng Brgy. Prenza 1, Marilao; William Uiyab, 60, ng Brgy. Bagbaguin, Meycauayan City; at si Eduardo Semacio, 61, ng Brgy. Bulusan, Calumpit, Bulacan. Ang mga suspek ay inireklamo ng mga biktimang sina Annabelle Urbano ng Brgy. Pajo; Victoria San Pascual at si Pedro Cachuela Jr. kapwa nakatira sa Brgy. Camalig, Meycauayan City. Ayon pa sa pulisya, ang mga biktima ay nahikayat ng mga suspek na magbigay ng P.260 milyon bilang bayad sa mga prangkisa ng kanilang sasak­y­an subalit hindi natupad. Dito na nagsagawa ng entrapment operation ang pulisya kaya nasakote ang mga suspek.

vuukle comment

ANNABELLE URBANO

BRGY

BULACAN

EDUARDO SEMACIO

HECTOR SAMAR

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MABEL REMEDIOS MENDOZA

MEYCAUAYAN CITY

PEDRO CACHUELA JR.

VICTORIA SAN PASCUAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with