Detachment ng Army sinunog

MAKILALA, North Cotabato, Philippines  – Sinunog ng mga rebeldeng New Peoples’ Army ang outpost ng 57th Infantry Battalion ng Phil. Army na nagsisilbing tagapagtanggol ng mga residente sa bahagi ng Purok-6, Barangay Batasan sa bayan ng Makilala sa North Cotabato kamakalawa ng gabi. Ayon kay Lt. Manuel Gatus, spokesperson ng 57th Infantry Battalion, nagkataon naman bumaba patungong sentro ng barangay ang mga sundalo noong Miyerkules kaya walang inabutan ang mga rebelde. Ang outpost na nagsisilbing detachment ng Barangay Peacekeeping Action Team ng Barangay Batasan ay ilang metro rin ang layo mula sa kabahayan. Nabatid na itatayo pa rin ng mga residente ang kampo ng BPAT at ng 57th Infantry Battalion sa pamamagitan ng bayanihan upang protektahan sila sa anumang harassment ng mga rebelde.

Show comments