^

Probinsiya

Pabrika ng paputok sumabog

- Ni Boy Cruz -

STA. MARIA, Bulacan, Philippines – Nagdulot ng pangamba at takot sa mga residenteng nakatira dito ang pagsabog sa pagawaan ng paputok kahapon na nagresulta ng pagkasugat pa ng isang babaeng trabahador dito.

Nagtamo ng first degree burn sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Maricel Esterino 35, ng Sitio Putol, Brgy. Mag-asawang Sapa sa bayang ito na agad na naisugod sa Rogasciano M. Mercado Memorial Hospital sa Brgy. Poblacion.

Sa imbestigasyon ni PO3 Rodolfo Robielos, naganap ang pagsabog dakong alas 2:10 ng hapon habang naglalagay ng pulbura ang biktima sa ginagawang five star na paputok ang biktima sa loob ng isang kubo sa lugar na ito.

Biglang sumiklab ang mga nakaimbak na pulbura sa tabi nito saka biglang sumabog na naging dahilan upang matupok ang buong kabahayan at maging ang mga gawang produkto ay na­damay din na tinatayang aabot sa halagang P20,000.

Napag-alaman ding walang kaukulang permiso ang pagawaan na pag-aari ni Raquel Quizon na naging dahilan upang sampahan ito ng kaukulang kaso. 

vuukle comment

BIGLANG

BRGY

BULACAN

MARICEL ESTERINO

MERCADO MEMORIAL HOSPITAL

NAGDULOT

RAQUEL QUIZON

RODOLFO ROBIELOS

ROGASCIANO M

SITIO PUTOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with