4 tulak droga arestado

BULACAN, Philippines   – Rehas na bakal ang binagsakan ng apat-katao matapos maaresto ng pulisya sa inilatag na drug bust-ope­ration sa Barangay Bancal, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng umaga. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Maritess Capili, 43, ng Brgy.Viente Reales; Lovely Reyes, 30; Ariel Sacal, 45, kapwa nakatira sa Barangay Malanday, Valenzuela City; at si Leonardo Valencia, 30, ng Brgy. Bancal. Nakumpiska ng mga tauhan ni P/Senior Insp.Randy Korret ang tatlong plastic sachet na shabu at tatlo pang sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana. Napag-alaman din na may mga nakabinbing kaso na may kaugnayan sa bawal na droga ang apat na suspek.

Show comments