Anak tinodas ng ama

KIDAPAWAN CITY ,Philippines  – Napaslang ang isang 51-anyos na anak na la­laki matapos pagbabarilin ng kanyang ama sa loob ng kanilang bahay sa Doña Aurora Street sa Tacurong City, Sultan Kudarat kahapon. Kinilala ang napaslang na si Engr. Cesar dela Peña Acosta habang nasakote naman ang suspek na si Isaac Baguio Acosta, 85, kapwa nakatira sa nasabing lugar. Sa ulat ni PO3 Rogelio Manzano ng Tacurong City PNP, nagtalo ang mag-ama sa loob mismo ng bahay ng biktima. Sa kasagsagan ng pagtatalo, niratrat ng ama ang kanyang anak kung saan nagawa pang maisugod sa Sandig Clinic and Hospital ang biktima pero idineklarang patay.

Show comments