Gas explosion: 3 grabe
MANILA, Philippines - Tatlong empleyado ang grabeng nasugatan sa nangyaring gas explosion sa isang mining company sa Purok Central , Brgy. Luna, Surigao City nitong Huwebes ng umaga.
Kinilala ni CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba ang mga nasugatang biktima na sina Nicolas Tari, James Bolambao at Raul Manlimos; pawang nagtatrabaho sa Silangan Mindanao Mining Company Incorporated (SMMCI).
Ang mga biktima ay isinugod na sa Surigao Medical Center sa lungsod upang malapatan ng lunas.
Ayon sa imbestigasyon, dakong alas-7:47 ng umaga ng maganap ang pagsabog sa compound ng nasabing minahan sa Purok Central, Brgy. Luna ng lungsod na nabanggit.
Ang pagsabog ay nagmula sa isang drying oven (soil sampling dryer) ng mining company kung saan binuhay umano ito ni Tari pero napansin naman ni Bolambao na tila hindi ito gumagana kaya ini-off muna pati ang gas tank pero binuhay uli ito ng una kung saan biglang sumabog.Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Surigao City Police Station sa kasong ito.
- Latest
- Trending