^

Probinsiya

Sheriff utas sa road mishap

- Ni Francis Elevado -

CAMARINES NORTE, Philippines -  Patay ang isang Provincial Sheriff habang sugatan naman ang isang pulis makaraang aksidenteng sumabit ang sinasakyan ng mga itong motorsiklo sa kasalubong na tricycle sa kahabaan ng highway ng Brgy San Antonio, Pili, Camarines Sur kamakalawa.

Idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan ang biktimang si Vincent Soriano, Provincial Sheriff ng Camarines Sur habang sugatan naman ang driver ng motorsiklo na si PO2 Leo Dumangas. Nabatid na mabilis na tumatahak sa Poblacion ng Pili  ang mga biktima at sa kanilang pag-overtake sa unahang bus, siya namang paparating ang isang tricycle.  Sa pagiwas ni Duma­ngas ay sumabit ang kanilang motorsiklo na naging dahilan upang matumba ito kasunod ng pagkakahulog ni Soriano na nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang driver ng tricycle matapos ang aksidente na ngayon ay tugis ng mga awtoridad. 

vuukle comment

BRGY SAN ANTONIO

CAMARINES SUR

IDINEKLARANG

LEO DUMANGAS

MABILIS

NABATID

PATAY

PROVINCIAL SHERIFF

VINCENT SORIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with