Senglot natulog sa riles; lasog sa tren

QUEZON, Philippines  – Nagdiwang ang kampon ni kamatayan makaraang malasog sa tren ang isang lalaking seng­lot na nakatulog sa riles kamakalawa ng madaling-araw sa Barangay Se­gui­­wan sa bayan ng Tagkawayan, Quezon.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Niel Jo­seph Eustaquio habang pinaghahanap naman ang train operator na nakilala lamang sa apelyidong Men­dez.

Sa imbestigasyon nina PO2 Nestor Lantting at PO1 Ronaldo Dionido, bago naganap ang insi­dente ay nakipag-inuman ang bik­ tima sa kanyang kai­bigan sa karatig barangay.

Nang malasing ang bik­tima ay nagpaalam na sa kanyang mga kainuman kung saan pasuray-suray na naglakad pauwi.

Sinasabing pansa­man­ta­­lang nagpahinga sa riles ng tren ang biktima hanggang sa makatulog sa pag-aakalang ligtas sa anumang kapahamakan.

Dakong alas-2:20 ng ma­daling-araw nang businahan ng Bicol bound na tren ang nakatulog na biktima at dahil sa ka­himbingan ay tuluyang hindi na naimulat pa ang mga mata nito.

Show comments