Bomba sumabog
KIDAPAWAN CITY, Philippines – Niyanig ng isang malakas na pagsabog ang bayan ng Kabacan, North Cotabato matapos sumambulat ang itinanim na bomba ng mga pinaghihinalaang Muslim lawless groups. Ayon kay Col. Prudencio Asto, Chief ng Public Affairs Office ng Army’s 6th Infantry Division, ang blast site ay halos 20 metro lamang ang layo mula sa tanggapan ng National Irrigation Administration. Bandang alas-7:30 ng gabi ng mangyari ang pagsabog na ika-siyam na insidente sa North Cotabato simula noong buwan ng Nobyembre. Nagresponde naman ang mga operatiba ng Explosives and Ordnance Disposal Team at Scene of the Crime Operatives sa blast site bandang alas-8:20 ng gabi at narekober ang isa pang improvised explosive device (IED) na bagama’t sumabog ay 'di naman kalakasan dahil ang pumutok lamang ay ang blasting cap na nakakabit dito. Ang IED ay gawa mula sa 81-mm mortar at ginamit na triggering device ang isang cell phone.
- Latest
- Trending