^

Probinsiya

Inireklamong hepe lumantad sa Camp Crame

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nakahanda si Lucena City PNP director P/Supt. Ramon Balauag na harapin ang reklamong inihain laban sa kaniya ng pamilya ng mag-amang negosyante na pinaslang noong Setyembre 4, 2011.

“Kahit saan kami makarating, I will face the investigation to prove my innocence,” pahayag pa ni Balauag.

Si Balauag ay lumantad kahapon sa Camp Crame at pinabulaanan ang akusasyon ng mag-inang Sofia at Christina Riego  dahil sa kabiguan niyang aksyunan ang kaso.

Noong Martes ay nag­harap ng kasong administratibo sa PNP- Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang mag-inang Riego laban kay Balauag  kung saan isinunod ang kasong kriminal sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) dahil sa kabiguang arestuhin ang tinukoy na mastermind na si Percival Perido.

Sa salaysay ng mag-ina sa PNP-IAS, si Perido na retiradong pulis noong 2004 ay sinasabing kaibigan ni Balauag kaya hindi ina­aresto sa kasong pagpatay sa mister ni Sofia na si Virgilio Riego, 61; at anak na si Joseph Riego, 27, sa Brgy. Gulang-Gulang, Lucena City.

Ipinaliwanag naman ni Balauag na hindi nila inaresto si Perido dahil walang matibay na ebidensya na magdidiin dito sa krimen.

Sinabi pa nito na dahil sa gusot na ginawa ng mag-ina ay nasira na ang tinutumbok ng kanilang imbestigasyon sa kaso na lumilitaw na ang malaking pagkakautang ni Christina ang motibo bagay na itinatanggi naman ng huli.

 “We wish to emphasize na hindi namin tinulugan ang kasong ito, may pinu-pursue kaming lead, I will cross the bridge haharapin ko ang kaso, nevertheless  pinatatawad ko silang mag-ina in the spirit of Christmas,” dagdag pa ng opisyal.

BALAUAG

CAMP CRAME

CHRISTINA RIEGO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

INTERNAL AFFAIRS SERVICE

JOSEPH RIEGO

LUCENA CITY

NOONG MARTES

PERCIVAL PERIDO

PERIDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with