^

Probinsiya

Shootout: 3 holdaper dedo

-

CAMARINES NORTE, Philippines – Nagwakas ang modus operandi ng tatlong kalalakihan na sinasabing notoryus na holdaper makaraang maki­pagbarilan sa mga alagad ng batas sa bahagi ng Barangay Napawon sa bayan ng Goa, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Kabilang sa napatay sina Pretzi Tiraman, Mahil Consulta na may kasong rape; at isang alyas Batman na nasa talaan ng PNP na most wanted, pawang nakatira sa bayan ng Tigaon, Camarines Sur.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Chito Oyardo, lumilitaw na hinoldap ng tatlong nakamotorsiklo ang dalawang kolektor ng Ramirez Finance Services na sina Ricardo Ramirez at William Mativo.

Matapos tutukan ng baril ang dalawang kolektor ay tinangay ang bag na naglalaman ng P15,000 koleksyon mula sa Naga City.

Nakaabot naman sa himpilan ng pulisya ang impormasyong ibinigay ng da­lawang kolektor kaya mabilis na naglatag ng checkpoint sa mga posibleng daanan ng mga holdaper.

Kaagad namang namataan ang tatlo na lulan ng motorsiklo kaya tinangkang harangin sa checkpoint subalit iniwasan ang mga nagbabantay na pulis kaya nagkahabulan.

Umabot sa limang kilometro ang habulan bago sumiklab ang barilan sa pagitan ng mga pulis at tatlong holdaper kung saan nakasalubong si kamatayan.

Narekober sa tatlong napatay ang dalawang baril, patalim, motorsiklo at ang bag na naglalaman ng malaking halaga. Francis Elevado, Ed Casulla at Joy Cantos

vuukle comment

BARANGAY NAPAWON

CAMARINES SUR

CHIEF INSP

CHITO OYARDO

ED CASULLA

FRANCIS ELEVADO

JOY CANTOS

MAHIL CONSULTA

NAGA CITY

PRETZI TIRAMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with