^

Probinsiya

BJMP jail ni-raid ng NPA

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isang araw bago idineklara ng pamahalaan ang 18-araw na ceasefire, sinalakay ng mga rebeldeng New People’s Army ang Bureau of Jail Management Penology (BJMP) jail na sinasabing natangayan ng mga armas kahapon ng umaga sa bayan ng Lianga, Surigao del Sur.

Ayon kay Army’s regional spokesman Col. Leopoldo Galon, bandang alas-8:40 ng umaga nang salakayin ng grupo ni Ka Eman na lulan ng van (LYG 248) ang nasabing piitan.

Ang ceasefire sa hanay ng NPA ay oobserbahan simula ngayon ( Disyembre 16) at tatagal hanggang Enero 2, 2012.

Walang nagawa ang nasorpresang mga jailguard na disarmahan ng mga rebelde kung saan ang pag-atake ay tumagal lamang ng sampung minuto.

Kabilang sa mga armas na tinangay ay isang Ak 47 assault rifle, shotgun, cal. 38 revolver at 19mm pistol.

Kaugnay nito, ipinag-utos na ni Col. Romeo Gan, commander ng Army’s 401st Infantry Brigade ang pagtugis sa mga rebelde.

AYON

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT PENOLOGY

DISYEMBRE

ENERO

INFANTRY BRIGADE

ISANG

KA EMAN

LEOPOLDO GALON

NEW PEOPLE

ROMEO GAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with