^

Probinsiya

Most wanted arestado

- Ni Boy Cruz -

Obando, Bulacan, Philippines  – Bumagsak sa mga awtoridad ang isa sa tatlong salarin at no.9 most wanted na responsable sa kasong pagpatay sa isang lalaki noong 2005 matapos na makorner ng mga awtoridad habang namamasada ng pampasaherong jeepney sa bayang ito kahapon.

Kinilala ni Chief Inspector Lorenzo Paynor ang suspek na si Glenn “Salot” Alvarico, 34, driver, tubong San Carlos, Pangasinan at residente ng Brgy. Panghulo ng naturang munisipalidad.

Bandang alas-2 ng hapon ng masakote ang suspek matapos na may makapag-tip na kamag-anak ng pinaslang nitong si Bernabe Bondoc, 33-anyos, ng nasabi ring lugar na namamasada ito ng jeepney sa lugar.

Ang suspek ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Gregorio Sampaga ng Regional Trial Court Branch 78 sa Malolos City sa kasong murder sa biktimang si Bondoc at walang inirekomendang piyansa sa kaniyang kalayaan.

Magugunita na si Bondoc ay pinaslang noong Hulyo 8, 2005 nang pagbabarilin ng mga suspek na armado ng M16 rifle matapos itong ikasal.

ALVARICO

BANDANG

BERNABE BONDOC

BRGY

BULACAN

CHIEF INSPECTOR LORENZO PAYNOR

JUDGE GREGORIO SAMPAGA

MALOLOS CITY

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

SAN CARLOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with