Hepe ng sekyu itinumba
CAVITE, Philippines – Binaril at napatay ng 'di-kilalang lalaki ang hepe ng mga sekyu habang ito ay nakikipag-usap sa manager ng security agency kamakalawa ng gabi sa Barangay Salitran 3, Dasmariñas City, Cavite. Napuruhan sa ulo si Edwin Gendibe, 38, chief operation ng Pacer Security agency at nakatira sa Barangay Pag-asa sa nasabing bayan. Lumilitaw na nakikipag-usap ang biktima sa manager na si Carlito Alindog sa harap ng kanilang opisina sa nasabing ahensya bandang alas-6:45 ng gabi nang lapitan at barilin. Naisugod pa sa Dela Salle University Medical Center ang biktima subalit idineklarang patay.
- Latest
- Trending