^

Probinsiya

Airman dinedo dahil sa aso

-

BATANGAS, Philippines – Naghasik ng lagim sa bayan ng Na­sugbu, Batangas ang mga bodyguard ni Trece Martirez City Mayor Melandres De Sagun makaraang pagbabarilin hanggang sa ma­patay ang isang sundalo ng Phil. Air Force kahapon ng umaga sa Barangay Sitio Parola sa Barangay Wawa sa nasabing bayan.

Kinilala ni PO2 Ramon Sale ang napatay na si Airman 2nd Class Joemon Articulo, 25, ng 733rd Combat Squadron ng Philippine Air Force.

Samantala, sugatan naman si Allan Ernie Humarang, 34, bodyguard ng nabanggit na alkalde.

Sa police report, lumilitaw na bumibili lang ng hamburger sina A2C Articulo kasama sina A1C Van Rigell Perez at A2C Lord Ryan Reyes kasama ang kanilang alagang aso sa Malasugue Street nang sipain ng kasamahang bodyguard ni Humarang na si “JR” ang aso ng mga sundalo.

Kaagad namang kinompronta ng mga sundalo sina Humarang at JR kung saan bumunot kaagad ng baril si Ernie sabay sambit ng - “ano bang problema n’yo? Ano bang gusto n’yo?”.

Bahagyang napaatras ang mga sundalo pero binaril pa rin ni Ernie si A2C Articulo kung saan tinamaan sa dibdib.

Agad namang gumanti ng putok ang isa sa mga kasamahan ni A2C Articulo kung saan tinamaan naman sa tagiliran si Ernie.

Isinugod naman sa Madonna Hospital si Humarang habang inihahanda ang kaukulang kasong isa­sampa laban dito.

Napag-alamang pinadala ni Mayor De Sagun ang dalawang bodyguard nito sa Nasugbu para bantayan ang isang kamag-anak na nakakatanggap ng pagbabanta sa buhay.

vuukle comment

AIR FORCE

ALLAN ERNIE HUMARANG

ARTICULO

BARANGAY SITIO PAROLA

BARANGAY WAWA

CLASS JOEMON ARTICULO

COMBAT SQUADRON

ERNIE

HUMARANG

LORD RYAN REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with