Sekyu ng telecom nilikida

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang security guard ng Globe Telecommunication sa isa namang karahasang naganap sa Barangay Ipil, Surigao City, Surigao del  Norte kamakalawa ng gabi. Nasapol sa ulo ang biktimang si Macario Silvosa Jr., 58, matapos pagbabarilin ng mga 'di-kilalang kalalakihan. Lumilitaw na nakikipag-inuman ang biktima sa ilang kaibigan may ilang metro lamang ang layo sa binabantayan nitong cell site sa  Purok Ilang-Ilang, Brgy. Ipil nang lapitan at ratratin.

Show comments