4 tiklo sa pekeng ginto

BULACAN ,Philippines  – Rehas na bakal ang binagsakan ng apat na miyembro ng Budol-Budol Gang matapos arestuhin ng pulisya dahil sa pagbebenta ng pekeng ginto sa isang negosyante sa Barangay Malhacan, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng umaga. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Amadeo Bautista, Cesar Bonifacio, Ricardo Andaya, at pamangkin nitong si Josephine Nolasco habang nakatakas naman ang isa pang suspek na si Joel Capalad. Ayon kay P/Senior Insp. Randy Korret, ang mga suspek ay inireklamo ng negosyanteng si Joseph Garcia na sinasabing nabentahan ng pekeng ginto na nagkakahalaga ng P55,000.

Show comments