^

Probinsiya

Mister iniputan ni misis, nag-suicide

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Hindi nakayanan ng isang 55-anyos na mister ang kataksilan ng kaniyang misis na naglayas at sumama sa ibang lalaki kaya ito nagbaril sa sarili sa harapan ng kaniyang 15-anyos na anak sa loob ng van sa  bayan ng Naguillan, La Union kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa sentido si Doroteo Sanchez ng Brgy. Gusing Sur, Naguillan. Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pagpapatiwakal ng biktima sa loob ng KIA Besta van (WJS-142 ) sa harapan ng kanilang tahanan dakong alas-11 :50 ng gabi. Bago ang insidente ay nakipag-inuman pa ang biktima sa kaniyang mga kapatid na sina Rogelio at Leonardo kung saan naisipan ng mister na matulog sa loob ng van kasama ang kanyang anak na lalaki kung saan ito nag-suicide. Sa pahayag ng matandang Felisa Sanchez sa mga awtoridad, iniwan ng kaniyang misis ang biktima at sumama sa ibang lalaki kaya dinamdam ang pangyyari.

vuukle comment

BESTA

BRGY

CAMP CRAME

DOROTEO SANCHEZ

FELISA SANCHEZ

GUSING SUR

LA UNION

NAGUILLAN

NAPURUHAN

ROGELIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with