Mag-asawa, anak nakuryente

LEGAZPI CITY, Albay – Nakuryente ang mag-asawa at anak nila kung saan nasawi ang mister habang malubha naman ang mag-ina kamakalawa ng gabi sa Zone 6 , Sampaguita St. Igualdad sa Naga City, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot ng buhay sa Bicol Medical Center ang biktimang si Antonio Aragon habang ginagamot naman ang mag-inang Rebecca Aragon at anak na si Anjanette Aragon. Lumilitaw na papauwi na ang mga biktima nang matapakan at makuryente ang bata sa talop na linya ng kuryente sa nakahambalang sa kalsada. Kaagad namang sumaklolo ang mag-asawa subalit nakuryente rin ang mag-asawa. Kaagad naman na rumesponde ang ilang kapitbahay para saklolohan ang tatlo subalit nasawi ang mister.

Show comments