^

Probinsiya

Hepe sinibak

- Ni Francis Elevado -

CAMARINES NOR­TE ,Philippines  - Sinibak sa puwesto ang isang hepe ng pulisya sanhi ng pagtaas ng kriminalidad sa lugar na kaniyang nasasakupan sa bayan ng Daet ng lalawigan nitong nakalipas na buwan ng Oktubre.

Kinilala ang tinanggal sa puwestong opisyal na si Chief Inspector Arnulfo Selencio na pinalitan ni Supt. Allan Ramos, 38 anyos, tubong Brgy. 2 sa bayang ito.

Si Ramos ang nahirang ni Daet Mayor Tito Sarion na iluklok sa posisyon sa paniniwalang makakaya nitong tuldukan ang kriminalidad sa kanilang bayan.

Nangako naman ang opisyal na kabilang sa kaniyang tututukan ay ang problema sa illegal na droga, human trafficking, anti criminality campaign at women’s and children’s protection desk.

Tahasan ring sinabi ni Ramos na  hindi niya kukunsitihin ang kanyang mga kamag anakan, kaibigan o kaklase sa sinumang nakagawa ng paglabag sa batas. 

vuukle comment

ALLAN RAMOS

BRGY

CHIEF INSPECTOR ARNULFO SELENCIO

DAET

DAET MAYOR TITO SARION

KINILALA

NANGAKO

OKTUBRE

RAMOS

SI RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with