^

Probinsiya

Holdap sa mall: 3 bumulagta

- Cristina Timbang, Joy Cantos -

CAVITE, Philippines – Bumulagta ang tatlo-katao sa naganap na madugong holdapan sa loob ng Robinson Place Mall sa Barangay Sampa­loc 1, Palapala, Dasma­riñas City, Cavite kahapon ng umaga.

Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. John Bulalacao, napatay ang dalawang security escort na sina Felipe Cipres at Melu Quinabandal at maging ang bank teller na si Rey Tinco.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bitbit ni Eduardo Noel Malayba ng JMY Money Changer ang P5 milyong cash na winidraw sa banko sa loob ng mall sa ground floor kasama ang mga escort na sina Tinco, Cipres at Quinabandal nang biglang harangin ng limang armadong kalalakihan.

Kasunod nito, kaagad na pinagbabaril ng mga holdaper ang dalawang sekyu saka puwersahang inagaw kay Malayba ang bitbit na bag na naglalaman ng malaking halaga saka nagsitakas habang nagkakagulo ang mga mamimili.

Bago mapatay ay nagawa namang makaganti ng putok ng isa sa sekyu kung saan may tinamaan din sa mga holdaper base sa mga patak ng dugo sa dinaanan ng mga ito sa pagtakas.

Pansamantalang isinara muna ang nasa­bing mall kahapon habang isinasagawa ang clearing operation.

Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya ang anggulong inside job at kung papaano nakapasok ang mga holdaper na may bitbit na baril habang patuloy ang imbestigasyon.

vuukle comment

BARANGAY SAMPA

EDUARDO NOEL MALAYBA

FELIPE CIPRES

JOHN BULALACAO

MELU QUINABANDAL

MONEY CHANGER

REY TINCO

ROBINSON PLACE MALL

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with