^

Probinsiya

Mag-asawa grabe sa kawatan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isang mag-asawang negosyante ang nasugatan makaraang pumalag sa isang miyembro ng akyat bahay gang na nanloob sa tahanan ng mga ito sa Brgy. Gulang-Gulang, Lucena City kamakalawa.

Kapwa nilalapatan ng lunas ngayon sa pagamutan ang mga biktimang sina Marlon Quejano, 34-anyos at Maricris Avellanosa, 31; pawang residente ng Ever­lasting Street, Zaballero Subdivision, Brgy. Gulang-Gulang ng lungsod na ito.

Bandang alas-3:20 ng madaling-araw ng maalimpungatan ang mag-asawa sa nilikhang kaluskos ng hindi pa nakilalang miyembro ng akyat bahay gang na pumasok sa kanilang tahanan sa pamamagitan ng sliding door sa ikalawang palapag.

Ang ikalawang palapag ng tahanan ng mag-asawa ay  pinatutuluyan ng mga ito sa  Dutch national na si Tijmen Van Rees, 45-anyos, isang turista sa lungsod.

Nahuli sa akto ng mag-asawa ang suspek habang tangay ang cannon DLSR camera na nagkakahalaga ng P18,000.00 ng kanilang bisitang si Rees bunsod upang pagsasaksakin ang mga ito ng suspek na agad tumakas. Iniimbestigahan pa ang kasong ito.

BANDANG

BRGY

GULANG-GULANG

INIIMBESTIGAHAN

ISANG

LUCENA CITY

MARICRIS AVELLANOSA

MARLON QUEJANO

TIJMEN VAN REES

ZABALLERO SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with