Guro, manugang todas sa salpukan ng motor at trak

CAMARINES NORTE, Philippines — Humabol sa Araw ng mga Patay ang isang guro at manugang nito makaraang salpukin ng isang rumaragasang trak ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng Purok 1, Brgy. Lidong, Sto. Domingo Albay, kamakalawa. Agad na namatay ang biktimang si Evelyn Pineda, 54, may asawa, residente ng Brgy. Calayucay ng nasabing bayan at guro sa Sto. Domingo National High School habang ang kanyang manugang na si Crisanto Badrina, 29, drayber ng motorsiklo ay binawian naman ng buhay sa isang  ospital. Sa imbestigasyon ng pulisya binabaybay ng mga biktima ang Purok 1 sakay ng motorsiklo patungong Legaspi City nang biglang salpukin ng isang trak na minamaneho ni Arnel Dop­loso ng Pilar, Sorsogon.

Nabatid na nawalan ng preno ang trak na naging dahilan upang hindi na maiwasan ang kasalubong na motorsiklo at nagawang pang  makaladkad ang mga biktima. 

Show comments