16-anyos dedo sa lolo

BULACAN ,Philippines  — Pinaniniwalaang selos ang isa sa motibo kaya pinagsasaksak ng isang 61-anyos na biyudong lolo ang mag-utol na dalagita kung saan nasawi ang isa sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Itinago sa pangalang Rosa, 16, ang nasawi ha­bang ginagamot naman sa ospital ang 17-anyos na si Laarnie.

Samantala, naaresto naman ang suspek na si Roby Dela Torre, karpintero, ng Brgy. San Jose Patag sa nasabing bayan.

Base sa ulat nina PO2 Benrashid Mansul at PO1 Ryan Marcelo, naganap ang krimen sa bahay ng mag-utol kung saan sumugod ang suspek na lango sa alak dahil sa matinding selos sa nanliligaw kay Rosa.

Dito kinompronta ng suspek ang mag-utol kung saan naganap ang pa­nanak­sak.

Show comments