^

Probinsiya

2 opisyal ng barangay pinabulagta

-

MANILA, Philippines - Dalawang barangay chairmen ang iniulat na napaslang sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa bayan ng Quirino, Isabela at San Carlos City, Pangasinan kahapon.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Chairman Elvis Mariano ng Barangay Cabaruan, Quirino; at Chairman Abraham dela Cruz ng Barangay Mestizo Norte sa San Carlos City.

Si Mariano na tuma­tayong officer-in-charge sa kanilang barangay ay patungo sana sa blood letting activities nang harangin at niratrat.

Malubha naman ang kasamang barangay tanod ni Marinao na si Edgar Salatarin.

Samantala, si dela Cruz na nagbibisikleta ang pinagbabaril ng mga 'di-kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo sa bahagi ng Barangay Mestizo Norte sa San Carlos City. Ayon kay P/Supt. Marlon Tayaba, si dela Cruz ay ikaapat na opisyal ng barangay ang itinumba sa nakalipas na limang taon.

Kabilang sa napaslang ay sina Chairman Tamondong, Chairwoman Carmelita Torre, at Chairman Alberto Manzon na pinalitan ni dela Cruz kung saan napatay din. Raymund Catindig at Eva Visperas

BARANGAY

BARANGAY CABARUAN

BARANGAY MESTIZO NORTE

CHAIRMAN ABRAHAM

CHAIRMAN ALBERTO MANZON

CHAIRMAN ELVIS MARIANO

CHAIRMAN TAMONDONG

CHAIRWOMAN CARMELITA TORRE

CRUZ

EDGAR SALATARIN

SAN CARLOS CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with