Pulis-Maynila itinumba sa Laguna

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines  – Napaslang ang isang pulis-Maynila matapos ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa bahagi ng Barangay Langgam sa bayan ng San Pedro, Laguna kahapon ng umaga.

Napuruhan sa mukha at ulo si SPO2 Oscar Ma­riscotes ng St. Joseph Village 9, Barangay Langgam, San Pedro, Laguna at naka-assign sa Mobile Division ng Manila Police District. Sa ulat ni P/Supt. Kirby John Kraft, hepe ng San Pedro PNP, kabibili lang ng almusal ng biktima sa kalapit na bahay nang lapitan at pagbabarilin habang kausap ang kaibigang si Eddie Bande bandang alas-8:30 ng umaga.

May teorya ang mga imbestigador ng pulisya na may kaugnayan sa krimen ang sinasabing drug den na itinuro ng biktima sa mga awtoridad para salakayin habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments