^

Probinsiya

Reporter nasalisihan sa mall

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isang lady reporter ng People’s Tonight ang na­tangayan ng bag ng dalawang miyembro ng Salisi Gang sa ikalawang palapag ng Robinson Mall sa bayan­ ng Imus, Cavite noong Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Zaida de los Reyes-Pa­lanca, 32, naka-beat sa Camp Crame at nakatira Plaridel Subdivision, Brgy. Bayan Luma 7 sa nasabing bayan.

Sa salaysay ni de los Reyes-Palanca sa pulisya, naganap ang insidente dakong­ alas-7:45 ng gabi sa Petty Section sa 2nd level ng Robinson Mall habang nagsusukat ito ng damit sa fitting room.

Pinabantayan ni Zaida­ ang kanyang bag sa kasama sa mall nang mag-komosyon kung saan isa sa dalawang Salisi Gang ang bumangga sa saleslady na napasigaw.

Paglingon ng kasama  ni Zaida ay nawawala na ang bag nito na naglalaman ng laptop, pitaka na may P16,000, credit card at iba pang mahahalagang gamit.

Nabigo namang mahabol ng mga guwardiya ang babaeng nakasuot na asul na blouse at ¾ pants na nagmamadaling lumisan sa mall.

Pinaniniwalaan namang kasabwat ng babae ang lalaking bumangga sa sales­lady na umagaw ng atensyon ng kasama ni Zaida sa mall.

vuukle comment

BAYAN LUMA

BRGY

CAMP CRAME

CAVITE

ISANG

PETTY SECTION

PLARIDEL SUBDIVISION

ROBINSON MALL

SALISI GANG

ZAIDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with