2 holdaper utas sa barilan

CAMARINES NORTE  ,Philippines — Napaslang ang dalawang notoryus na holdaper na sinasabing sangkot sa serye ng holdapan sa iba’t ibang bayan sa Camarines Sur makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa bahagi ng Barangay Pawili sa bayan ng Pili, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan ng dalawa na kapwa miyembro ng Edwin Borac Gang. Nabatid na tinangkang pasukin ng dalawa ang establisyemento sa Brgy Bula subalit hindi naisakatuparan dahil may CCTV camera. Namataan naman ng mga awtoridad ang papatakas na dalawa na lulan ng motorsiklo kaya nagkahabulan hanggang sa maganap ang shootout.

Show comments