Kontratista nilikida sa lamayan

CAMARINES NORTE, Philippines  – Napaslang ang isang 47-anyos na mister na sinasabing nakipaglamay sa kanyang yumaong kaibigan matapos ratratin ng mga di-kilalang lalaki sa bahagi ng Barangay Baliuag Viejo sa bayan ng Minalabac, Camarines Sur kamakalawa ng madaling-araw. Napuruhan sa ulo si Januario Plotado, kontratista, ng nabangit na barangay. Lumilitaw na nagpaalam na ang biktima sa ilang kamag-anak ng kanyang kaibigang namayapa para umuwi nang lapitan at pagbabarilin. May teorya ang pulisya na isa sa tauhan ng biktima na sinasabing sinibak sa trabaho ang nasa likod ng krimen habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments