^

Probinsiya

Behikulo niratrat: 2 todas, 23 grabe

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang iniulat na nasawi habang 23 pa na karamihan ay mga pasahero ang nasugatan makaraang ratratin ng 30 armadong kalalakihan na hinihinalang miyembro ng Muslim lawless  groups ang dalawang passenger truck sa highway ng Brgy. Labungan, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao nitong Bi­yernes ng madaling-araw.

Ayon kay Directorate for Integrated Police Ope­rations-Western Mindanao Chief P/Director Felicisimo Khu, dead-on-the-spot sa insidente ang biktimang si Enrique Balinduan habang namatay naman sa hospital si Janeth Cruz.

Kabilang naman sa 23 nasugatan na agad isinugod sa Cotabato Regional Hospital ay nakilalang sina  Don Jose Chua , Ma­nuel Lobiano, Basay Ray Emilio, Hilario Balungay, Lomy de los Santos, Gladys Amante, Lisa Difunturum, Pao Matunggawan, Sonny Magbanua, Leonora Lordina at Venus Agaseo.

Bandang alas-2:50 ng madaling-araw habang bumabagtas sa lugar ang da­lawang pampasaherong double tire truck, isa rito ay kulay asul (MVW-766) na minamaneho ni Arman Policarpio at isang kulay abo na may pagka-pula (MVW-733) na minamaneho naman ni Felix Abirle nang tangkaing harangin ng mga armadong lalaki na nakapuwesto sa tabi ng kalsada.

Sa halip na huminto ay pinaharurot ng mga driver ang naturang mga behikulo nang matunugan ang ‘highway robbery’ ng Muslim lawless groups bunsod upang mairita ang mga suspek at ratratin ang nasabing mga pampasaherong sasakyan na ikinasawi at ikinasugat ng mga biktima.

ARMAN POLICARPIO

BASAY RAY EMILIO

COTABATO REGIONAL HOSPITAL

DATU ODIN SINSUAT

DIRECTOR FELICISIMO KHU

DON JOSE CHUA

ENRIQUE BALINDUAN

FELIX ABIRLE

GLADYS AMANTE

HILARIO BALUNGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with