^

Probinsiya

11 guro nalason sa pancit palabok

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sa gitna na rin ng selebrasyon ng World Teacher’s Day, aabot sa 11-guro sa elementarya ang naratay sa ospital matapos malason sa kinaing  pancit pa­labok sa isang food chain sa  Sta. Rosa City, Laguna kamakalawa ng tanghali.

Sa ulat ng Sta. Rosa City PNP, kinilala ang mga biktima na sina Mary Ann Dano, Marisa Cose, Milo Baraya, Ema Babiano, Ju­dilon Dela Pena, Meth Angeles, Maria Gloria Santillan, Erwin Rivera, Rocel Aquino, Sonia Rivera at Marela Polmano na pawang guro sa Sta. Rosa City Elementary School.

Naganap ang insidente sa pagitang ng alas-11 at alas-12 ng tanghali matapos na pumila ang mga guro sa hindi tinukoy na food chain sa loob ng mall sa Sta. Rosa City kung saan nagsalu-salong kumain ng palabok na nakalagay sa styrofoam.

Gayon pa man, ilang oras matapos kumain ng pancit palabok ay nakaramdam ng matinding pananakit ng tiyan, pagsusuka, pananakit ng ulo at dumanas ng diarrhea ang mga guro na sinasabing nag-celebrate ng World’s Teachers Day. Pinaniniwalaang napanis ang pancit palabok na kinain ng mga guro matapos na makulob sa styrofoam na nakalason.

Kaugnay nito , isinailalim naman sa pagsusuri ang sample ng palabok para madetermina ang sanhi ng pagkalason ng mga guro.

vuukle comment

DELA PENA

EMA BABIANO

ERWIN RIVERA

MARELA POLMANO

MARIA GLORIA SANTILLAN

MARISA COSE

MARY ANN DANO

METH ANGELES

MILO BARAYA

ROSA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with