Kawani ng PRC itinumba

QUEZON, Philippines – Napaslang ang isang kawani ng Professional Regulations Committee makaraang ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Poblacion sa bayan ng Sariaya, Quezon kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo si Noriel Mercado, 34, may-asawa, ng Queblar Street, Barangay 10, Lucena City. Sa ulat ni PO2 Andro Radones, lulan ng motorsiklo ang biktimang patungo sa Lucena City nang dikitan at pagbabarilin ng dalawang ‘di-kilalang lalaki na sakay din ng motorsiklo. Nang tumumba sa kalye ang biktima ay nilapitan at muling pinaputukan sa ulo.Tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Candelaria, Quezon habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments