^

Probinsiya

Bus tinangay ng hangin, nahulog sa bangin

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Anim katao ang nasuga­tan kabilang ang driver matapos tangayin ng hangin hanggang sa mahulog sa bangin ang isang bus sa kasagsagan ng bagyong Pedring sa bayan ng Pamplona, Cagayan kahapon ng umaga.

Kinilala ni Cagayan Provincial Police Office (PPO) Director Sr. Supt. Mao Aplasca ang mga biktima na sina Teddy Tambao, driver; mga pasahero nitong sina Leticia Fronda, 56; Mel Aduana, 41; Jayson Pitero, 30; Jeneline Pitero, 32 at Franslejay Pitero, 2 anyos.

Bandang alas-7 ng umaga ng maganap ang insidente habang bumabagtas sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Bagu, Pamplona, Cagayan ang Florida Bus Transport Inc (BVM 339) na minamaneho ni Tambao, 39, ng mangyari ang sakuna.

Sa kasagsagan ng hagupit ng bagyong Pedring ay tina­ngay ng hangin nito ang bus kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang driver.

Nagpagewang-gewang ang takbo nito sa matarik na highway ng bus hanggang sa mahulog sa ibabang bahagi ng bangin na malubhang ikinasugat ng mga pasahero nito.

Agad namang sumaklolo ang rescue team at isinugod sa pagamutan ang mga na­sugatang biktima.

CAGAYAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

DIRECTOR SR. SUPT

FLORIDA BUS TRANSPORT INC

FRANSLEJAY PITERO

JAYSON PITERO

JENELINE PITERO

LETICIA FRONDA

MAHARLIKA HIGHWAY

MAO APLASCA

MEL ADUANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with