Mag-ina niratrat patay

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Patay ang isang guro at anak nito matapos ratratin ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin habang naglalakad pauwi sa kanilang tahanan sa Brgy. Lika, M’lang, Cotabato kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mag-inang biktima na sina Reyna Badoy, 58 at anak na si Dina, 18-anyos. Base sa imbestigasyon, sinabi ni Supt. Renante delos Santos, hepe ng M’lang Police , bandang alas -6:45 ng gabi habang nag­lalakad ang mag-ina ng pagbabarilin ng mga armadong salarin. Narekober naman ng pulisya sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol. Sinabi ng opisyal sa kasalukuyan ay blangko pa ang mga awtoridad sa motibo ng krimen habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso. 

Show comments