Tiyuhin minartilyo ng pamangkin

CAVITE, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang tiyuhin matapos na martilyuhin sa ulo ng kanyang pamangking lalaki sa bayan ng Bacoor, Cavite kamakalawa ng hapon. Idineklarang patay sa St. Michael Hospital si Leonardo Umabao, hardinero, ng Nazareth Compound Barangay Molino 3 habang naaresto naman ang suspek na si Ranil Ali ng P-5 Barangay Paliparan, Dasmariñas City, Cavite. Lumilitaw na nagalit ang suspek sa pag-aaway ng kanyang pamangkin at ka-live-in na si Maria De Galve. Umawat ang biktima subalit lalong nagalit ang suspek kaya isinagawa ang pamamaslang.

Show comments