MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang limang iba pa ang malubhang nasugatan makaraang salpukin ng pampasaherong jeepney ang isang tindahan sa Siruna Village, Marcos Highway sa Antipolo City, Rizal kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga namatay na sina Virgilio Abejar, 70, ng Unit-1 Pagrai, Brgy. Mayamot, Antipolo City; at Rodrigo Bartolome, 66,ng #54 Siruna Village, Phase-4, Brgy. Mambuga ng nasabing lungsod.
Sugatan naman sina Jeniffer Docta, 35; Ariel Docta, 37; Jesus Stephen Docta, 5; Rosie Osmenia, 53; at si Gadziel Osmenia, 8, pawang pasahero ng jeepney. Kalaboso naman ang driver ng jeepney na si Jojo Silbano, 26, ng Block 15, Lot 20, Peace Village, Phase-3 sa Barangay San Jose, Antipolo City.
Lumilitaw na nawalan ng preno ang jeepney (TXE 108) ni Silbano na may rutang Cogeo-Cubao kaya sumalpok sa S&M store kung saan bumibili sina Abejar at Bartolome.