^

Probinsiya

63-anyos ama dedo sa gulpi ng anak

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 63-anyos na ama matapos itong gulpihin at hatawin ng kawayan ng sariling anak na pinaniniwalaang nasiraan ng bait dahil sa pagkalulong sa bawal na droga sa bayan ng Badian, Cebu kamakalawa.

Nagtamo ng mga sugat sa ulo at mga hiwa sa katawan ang biktimang si Alfredo Orbena Sr. habang nahaharap naman sa kasong parricide ang  suspek na si Fregion Orbena, 26,  nasa detention cell ng Badian PNP station at nakatakdang dalhin sa Don Vicente Sotto Memorial Medical Center para isailalim sa psychiatric examination.

Base sa ulat ng pulisya, bandang alas-4 ng mada­ling-araw nang magising ang suspek na niyugyog ang ama at humihingi ng pagkain.

Dahil sa naalimpungatan ay inabutan ito ng tinapay ng amang inaantok pa bago bumalik sa pagkakatulog.

Nagwala naman ang suspek at sinira ang sahig na kawayan ng kanilang bahay na sinasabing sinusumpong na naman ng sakit nito sa utak dahil sa sobrang paggamit ng bawal na droga.

Dito na nanlisik ang mga mata ng suspek saka inumbag ang ama sa sahig at pinaghahataw ito ng kawayan sa iba’t-ibang bahagi ng katawan hanggang sa masawi ang matanda.

Kinumpirma naman ng ina sa mga awtoridad, na dating drug user ang kaniyang anak kaya nasiraan ito ng bait.

vuukle comment

ALFREDO ORBENA SR.

CEBU

DAHIL

DITO

DON VICENTE SOTTO

FREGION ORBENA

KALUNUS

KINUMPIRMA

MEMORIAL MEDICAL CENTER

NAGTAMO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with