Bokal kritikal sa ambush

CAVITE, Philippines  – Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang board member (Bokal) mula sa 3rd District ng Ca­vite matapos tambangan ng dalawang hindi pa kilalang lalaki sa panibagong karahasang naganap sa bayan ng Imus, Cavite kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Supt. John Cresencio Bulalacao, Cavite police director ang biktimang si Board member Digo Arguelles, 57, ng Park Dale Subdivision sa Barangay Anabu-1, Imus.

Ayon sa police report, nagdya-jogging si Arguelles sa paligid ng Gold Commercial Complex Compound nang lapitan at ratratin bandang alas-6:30 ng umaga.

Mabilis na tumakas ang gunman lulan ng motorsiklo. Isinugod si Arguelles sa Our Lady of Pillar Hospital para sumailalim sa operasyon matapos magtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo malapit sa kaliwang mata. Pinaniniwalaang po­litika ang isa sa motibo sa pamamaril sa biktima. Cristina Timbang,

Show comments