3 patay sa flashflood

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang iniulat na nasawi sa pagragasa ng flashflood dulot ng pagbuhos ng ulan sa lalawigan ng Bukidnon, ayon sa ulat kahapon. Kinilala ang dalawa sa tatlong nasawi na sina Ernesto Gahinay, 40; at anak nitong si Marmar Gahinay, 7, kapwa residente sa bayan ng Lantapan. Sa naantalang ulat  na ipinalabas kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, dakong alas-8 ng umaga nang rumagasa ang tubig-baha noong Linggo sa Purok 4 sa Bantuanon, Lantapan at sa Fortich Bridge sa Valencia City. Kaunod nito, binigyan nang cash assistance na tig-P1,000 ng lokal na pamahalaan ang pamilya ng mga nasawing biktima at inirekomenda naman ng PDRMMC ang karagdagang tig-P3,000 tulong sa pagpapalibing sa mga biktima.

Show comments