4 kawatan ng kable dinakma
BULACAN, Philippines — Kalaboso ang binagsakan ng apat na kalalakihan matapos maaktuhang ng mga barangay tanod na dinudugas ang ilang metro ng kable sa poste ng telecommunication sa kahabaan ng Mahalika Highway sa Barangay Sacdalan sa bayan ng San Miguel, Bulacan kamakalawa ng hapon. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Fernando Mendez Jr., kinilala ang mga suspek na sina Rocky Abillano, 24, ng Brgy. San Roque, Gapan, Nueva Ecija; Aries Paguigan, 29; Marlon Avillanosa, 29, kapwa nakatira sa Brgy. Bulualto; at si Jay-Ar Santiago, 23, ng Brgy. Lambakin.
Ayon kay P/Supt. Marcos Rivero, narekober sa mga suspek ang 50 metro ng kable, 2 bolt cutter, mahabang lubid, mga gamit at traysikel na walang plaka.
- Latest
- Trending