Gf grinipuhan, nobyo nagbigti

RIZAL, Philippines — Isang 28-anyos na lalaki ang iniulat na nagbigti matapos pagsasaksakin ng basag na bote ang kanyang syota na inakalang napatay sa loob ng hotel sa Felix Avenue sa Barangay San Isidro sa bayan ng Cainta, Rizal, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Supt Noel Ponollera, hepe ng Cainta PNP ang nag-suicide na si Charlie Louis Alday Antonio Jr., kawani ng kilalang fast food chain at nakatira sa Project 4, Quezon City.

Nasa malubhang kalagayan ngayon ang syota ni Antonio na si Angeline Acopanado, 23, ng nabanggit din lungsod.

Lumilitaw na magkasamang nag-check-in sa hotel ang magsyota kung saan ay agad na umorder ng alak ang lalaki.

Habang nasa kasarapan ng pag-inuman ay nagselos si Antonio sa ginawang pagsagot ng dalaga sa tawag sa cell phone ng ’di-kilalang lalaki na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Dito na dumampot ng bote ng alak ang binata at ipinalo sa ulo ng dalaga saka pinagsasaksak.

Nabatid na nagpatay-patayan naman ang dalaga kaya tinigilan ng binata saka pumasok sa palikuran at nagbigti sa pag-aakalang napatay niya ang kanyang syota.

Show comments