Opisyal ng LTO itinumba

SANTIAGO CITY, Isabela ,Philippines  – Napaslang ang isang opisyal ng Land Transportation Office matapos pagbabarilin ng motorcycle riding gunmen kahapon ng umaga sa bayan ng San Isidro, Isabela. Napuruhan sa ulo si Ricardo “Carding” Domingo ng Flying Squad ng LTO-San Isidro at nakatira sa Barangay Divisoria, Santiago City. Sa imbestigasyon ni PO2 Ronald Villoria, nakaangkas sa motorsiklo ang biktima nang lapitan at ratratin pagsapit sa national highway ng San Isidro malapit sa LTO office. Hindi naman idinamay ang pamangkin ng biktima na nagmaneho ng motorsiklo. Sa tala ng pulisya, napatay din ang pinsang ni Ricardo na si Sadiri Domingo na nakatalaga rin sa Flying Squad matapos ratratin sa harapan ng Santiago City LTO office noong Hunyo 6, 2011.

Show comments