8 dakma sa illegal fishing

BATANGAS, Philippines – Walo-katao kabilang na ang isang menor-de-edad ang nadakma ng mga alagad ng batas habang nagsasagawa ng ilegal na pangingisda sa karagatang ng Lian, Batangas kamakalawa ng umaga. Kinilala ang mga suspek na sina Edgardo Cupiado, Rolando De Lima, Rogelio Quizon, Elluterio Quezon, Allan Doctolero, Randy Manalo, Mark Villena at isang batang lalaki na pawang nakatira sa nasabing bayan. Lumilitaw sa police report, naaktuhan ang mga suspek na nanghuhuli sa loob ng 15KM marine water shoreline sa Sitio Matuod, Barangay Binubusan na ipinagbabawal ang pangingisda. Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang motorized banca, dalawang lambat at anim na kilong ib't ibang uri ng isda.

Show comments