5-anyos nene ni-rape

MANILA, Philippines -  Gumuho ang pangarap ng mga magulang ng isang 5-anyos na batang babae matapos itong gahasain ng kanilang kapitbahay na lalaki sa Barangay Bacawan sa bayan ng San Agustin, Romblon noong Lunes. Nasakote naman ng mga ope­ratiba ng PNP Highway Patrol Group (HPG)  ang suspek na si Renan Rosas sa pantalan ng Romblon habang papa­sakay ng ferry boat patungong Batangas upang takasan ang krimen. Sa police report na nakarating kahapon sa Camp Crame, ipinagbigay-alam sa himpilan ng pulisya ng mga magulang ng bata ang naganap na insidente. Kaagad naman naglatag ng dragnet operation ang mga awtoridad kaya maagang naaresto ang suspek.

Show comments