Bumbay nagbigti dahil sa syota

ILAGAN, Isabela, Philippines  — Isang 22-anyos na binatang Bumbay ang iniulat na nagbigti matapos nitong aminin sa iniwang suicide note na hindi na niya matagalan ang panga­ngawarta ng kanyang nobya sa Cauayan City, Isabela noong Linggo.

Kinilala ng pulisya ang nagpasalubong kay kamatayan na si Nerad Kumar ng Punjab, India at naninirahan sa Barangay District 1, Cauayan City.

Nakasaad sa huling liham ni Kumar ang pag­hingi nito ng tawad sa nakatatandang kapatid matapos niyang maubos ang puhunang pinagkaloob para sa kanyang negosyong pagpapautang.

Nabatid na ang mala­king halaga na puhunan ay nalustay sa sinasabing kapritso ng nobya ni Kumar.

Show comments