^

Probinsiya

12 NPA bulagta sa Army

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Napaslang ang 12 rebeldeng New People’s Army matapos makasagupa ang tropa ng Phil. Army sa hangganan ng Barangay Kauswagan, Sto. Niño sa bayan ng Loreto, Agusan del Sur kamakalawa.

Sa phone interview, sinabi ni Army’s 4th Infantry Division spokesman Major Eugenio Julio Osias IV, bandang alas-8:50 ng umaga nang makasagupa ng 26th Infantry Battalion sa ilalim ng  Army’s 402nd Infantry Brigade ni Col. Rodrigo Diapana ang grupo ng rebelde.

Nabatid na gumamit na ng MG520 attack helicopter ang Philippine Air Force bilang suporta sa ground forces ng Philippine Army laban sa grupo ng NPA na posibleng responsable sa tangkang pag-atake sa himpilan ng pulisya sa Trento, Agusan del Sur subalit nasilat.

Napag-alamang isa sa sundalo ng Cafgu na si Ricky Lantong  ay napatay sa dalawang oras na bakbakan habang wala namang nasugatan sa panig ng militar.

Lumilitaw sa ulat ng mga civilian asset na walong rebeldeng napatay ay inilibing na ng kanilang mga kasamahan habang apat pa ang nakitang nakahandusay sa encounter site.

vuukle comment

AGUSAN

BARANGAY KAUSWAGAN

INFANTRY BATTALION

INFANTRY BRIGADE

INFANTRY DIVISION

MAJOR EUGENIO JULIO OSIAS

NEW PEOPLE

PHILIPPINE AIR FORCE

PHILIPPINE ARMY

RICKY LANTONG

RODRIGO DIAPANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with