3 grinipuhan sa karinderya

BATANGAS, Philippines – Tatlo-ka­tao ang iniulat na nasugatan matapos mapagtripang pagsasaksakin ng isang 17-anyos na lalaki sa naganap na panibagong karahasan sa Barangay San Miguel sa bayan ng Sto. To­mas, Batangas noong Sabado ng madaling-araw. Naisugod sa Sto. Tomas General Hospital ang mga biktimang sina Leoncio Pe­de­lino, 21, truck helper, ng Ma­linao Ibaba, Atimonan, Quezon; Argel Joseph Delos Santos, 21, truck helper, ng Lopez Quezon; at si Se­rafin Lagamot, 17, ng Atimonan, Quezon. Samantala, tugis naman ng pulisya ang suspek na itinago sa pangalang Rico ng Purok Bisaya sa nabanggit na barangay. Lumilitaw na magkakasamang kumakain sa Dina’s canteen nang magkakasunod na saksakin ng suspek.

Show comments