2 kawatan arestado
BATANGAS, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang lalaki matapos madakma ng pulisya sa kasong pagnanakaw sa bahay ng negosyanteng babae sa Barangay Latag sa bayan ng Taal, Batangas noong Biyernes ng hapon. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Orlando Garcella, 37, negosyante, ng R. Diokno Street, Lemery, Batangas at ang 16-anyos na lalaki na nakatira sa Barangay Haling sa bayan ng Taal. Base sa police report, bandang alas-2 ng hapon nang pasukin at pagnakawan ng mga suspek ang tahanan ni Maria Reisy Valera, 48. Sa follow-up operation ng pulisya, nadakma ang mga suspek kung saan narekobder naman ang ninakaw na alahas na nagkakahalga ng P20,000 at P5,000 cash.
- Latest
- Trending