Koreano inutas sa beach resort

CAVITE, Philippines – Napaslang ang isang 57-anyos na Koreano matapos ratratin ng ‘di-kilalang lalaki sa beach resort sa bayan ng Ternate, Cavite kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa San Lorenzo Ruiz Hospital si Kim Young Dal ng Barangay Sapang 1 sa nasabing bayan. Sa ulat ni PO3 Jude Baligod, lumilitaw na nakikipag-usap ang biktima sa kanyang asawa sa cell phone nang ratratin sa harap ng kanyang resthouse sa Caysubic Beach Resort sa Puerto Azul. Blanko ang pulisya sa motibo ng pamamaslang.

Show comments