^

Probinsiya

5 tulak-droga arestado

- Ni Boy Cruz -

KAMPO ALEJO SANTOS, Bulacan, Philippines – Lima-katao na sinasabing notoryus drug pusher ang naaresto ng pulisya sa isinagawang serye ng ope­rasyon sa tatlong bayan sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa.

Ayon kay P/Senior Supt.Fernando Mendez Jr. kabilang sa mga suspek na kinasuhan ay sina Jeffrey Laxamana, 28, ng Brgy. Lolomboy, Bocaue; Lorie Francisco, 27, ng Sitio Tibagan, Brgy. Sta. Rosa 1, Marilao; Nestor Mendiola, 28, ng Brgy. Pulo, San Rafael; Eduardo Ramos, 38, ng Brgy.Tabang, Plaridel at si Jerry Dela Rosa, 33, ng Brgy. Bunsuran 3rd sa bayan ng Pandi.

Ayon kay P/Supt.Reniel Valones, sina Laxamana at Francisco ay nadakma sa Brgy. Turo, Bocaue, Bulacan.

 Samantala, si Mendiola ay nakumpiskahan ng 5 plastic sachet ng shabu, marked money, celpone, at dalawang motorsiklo sa Brgy. Sta. Cruz sa bayan ng Angat. 

Hindi naman nakapalag sa mga pulisya sina Ramos at Dela Rosa matapos maaktuhang nagtutulak ng shabu sa Brgy. Bunsuran 3rd sa bayan ng Pandi.

vuukle comment

AYON

BOCAUE

BRGY

BULACAN

BUNSURAN

DELA ROSA

EDUARDO RAMOS

FERNANDO MENDEZ JR.

JEFFREY LAXAMANA

JERRY DELA ROSA

LORIE FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with